Lunes, Oktubre 17, 2011

BUHAY KO MAY HANGGANAN 'DIN

Buhay ano nga ba?
Kahulugan mo'y halos 'di ko makita
Bawat oras'y napakahalaga
Para katanungan ko'y malalaman na

Sabi nila minsan lang kita makasama 
Sa daigdig na napakaganda
Buhay bakit nga ba?
Ano nga ba ang totoo?

Minsan makakalito
Sa mundong ibabaw ikay minahal ko
Kung ikay biglang maglalaho
Sana sa oras na kaya na kitangisubo


Lahat sa akin ay napakahalaga
Pangarap kung habangbuhay na
Sa piling ko'y huwag kang magsasawa
Sapagka't minahal na kita

Subalit sa totoo'y dapat maging handa
Sapagkat sa 'sang saglit mawawala ka
Kaya buhay sa aki'y magsawa ka muna.

Buhay, bago ang lahat
Ako sa iyo'y magpapasalamat
Sa sarap ng lahat                                   
Alamat sa iyoy nakaukit 
Sa puso't isip koy napakakulit
Kaya't salamat ulit.





By: MARIA LOURDES ALTARIBA

Huwebes, Agosto 4, 2011

''KUNG KAYA MO,MAS KAKAYANIN KO''

Nagsisimula ako sa angkan ng kahirapan.Lumalaki ako sa piling ng aking pamilya dala ang kahirapan sa buhay.Nag-aaral ako na kahit minsay hindi nagdadamba kapag walang baong pera.Tiniis ko ang pait at hirap sa paglalakbay patungong paaralan.Lahat ng oras koy ibinigay ko sa pag aaral ko.Kahit lampara sa gabi ang nagsisilbing liwanag ko,hindi ito ang naging hadlang sa akin upang mangarap ng wasto.Pamilya ko ang inspirasyon ko sa buhay.Hindi sa pagmamayabang,nakatapos ako ng elementarya bilang isang VALEDICTORIAN sa  aming paaralan.Dito ko nasasabi na hindi ko sinayang ang aking mga natutunan sa aking pag aaral.Napaluha ako nang kasama ko ang aking mga magulang sa aking graduation day at sabay nila akong ineskortan patungong entablado.Hindi ko naiwasang napaiyak sa harap ng aking mga kasamang matagumpay din na nakapasa sa elementarya sa aking valedictory speech.

Hanngang nagpatuloy ako sa aking pag aaral sa hayskul sa cebu,at do'n ko nakilala ang mga kaibigan ko na marunong makinig sa akin at umunawa.At nagsisikap ako sapagkat  pamilya korin ang nagsusumikap sa akin para lang makatapos ng pag-aaral.Noong buwan ng Oktobre 2010 nagdesisyon akung sumabak sa pulitika sa SK ELECTION.
At sa tulong at gabay ng mayakapal nakamit ko ang mithiing maging isang modelo sa kabataan.Laking pasasalamat ko sa mga suportado kung mga kaibigan para matagumpayan ko ang minimithi.Hindi ko pinabayaan ang responsibilidad kong magpatuloy sa pag-aaral kahit na nahahati na ang panahon ko para sa malaking responsibilidad ko sa lipunan.At sa ngayon naging kaakibat ko ang pagiging SK CHAIRWOMEN sa aking pag-aaral sapagkat ito ang nagsilbing panustos ko sa paaralan,at dahil  dito naging government schoolar ako.

Kaya hindi talaga hadlang ang kahirapan para makamit ang mithiin sa buhay..!!!!!!!!


 by-MALOU







Martes, Agosto 2, 2011

ANG KAHIAN BA TALAGA ANG HADLANG PARA SA AKING MGA PANGARAP?

Dapat bang maging ganito ang buhay? Bakit kailangan pang dumamay sa akin ang kahinaan.?
Alam kung isa akong nilalang na isinilang na may kambal kahinaan..gustuhin ko man pero wala akung magawa sapagkat tao lang ako na nabubuhay sa kontrol ng maykapal.
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakaupo ako  sa isang  maliit na silya sa bakuran ng aming bahay .Habang palalim na ang gabi narinig ko ang iba't-ibang tunog ng mga kulisap na hayop na tila nagsasaya sa kagandahan ng gabi.Napatingin ako sa kalawakaan at nakita ko ang iba't-ibang konstelasyon  ng mga bituin na nagsisimulang kumikislap-kislap at nagbibigay  simbolo ng katahimikan .


Habang nakatitig ako sa mga nag kukuslapang mga alitaptap,biglang pumasok sa aking isipan ang kwento ng aking buhay na tila napaluha ako habang nakikita ko sila na masayang naglalaro sa buong parte ng puno.Masasabi kung may pangarap 'din sila para sa kanilang kalahi at maikumpara ko ito sa aking buhay sapagkat may pangarap akung nais makamit na magbibigay sa akin ng kaligayahan sa buhay. Pagkaraan ng ilang oras may narinig akung halakhakan ng kababaihan sa likuran ng aming bahay at tila pupuntahan nila ako para mamasyal sa bahay ng aming kaibigan.Dali-dali kung pinunasan ang ang luhang napaagos sa aking mukha at bumati sa kanila ng magandang gabi. Habang naglalakad kami nadapa ako sa isang malubak na daan , naramdaman ko ang sakit ng aking katawan at tila hindi ko na kayang tumayo pa sapagkat malakas ang pagkadapa ko at sa binti ko ito tumama.. Hinintay kung may tumulong sa akin sa pag ahon sa aking nadapaan ngunit napaiyak ako sa aking narinig na tinawanan lamang nila ako at hindi nga man lang tinulungan.Pinilit ko ang sarili ko sa pagtayo at dahan-dahan kung linakad ang aking mga binti pabalik sa amin.Bawat lakad koy napakasakit,ang sakit isipin na sa sitwasyon kung iyon wala nga man lang maski isa sa mga kaibigan ko ang tumulong sa akin.


Pagkaraan ng ilang oras sa paglalkbay ko dala ang sakit na naramdaman naabot ko rin ang bahay namin,at diretso akung umupo sa nag iisa naming silya sa bakuran at napaiyak ako sa nangyayri sa akin.
Kinausap ko ang sarili ko kung ano nga ba ang aking pagkukulang na kung sa gayon bakit pati kaibigan ko binalewala nila ako? Tiningnan ko ulit ang mga alitaptap sa aking paligid ngunit lahat silay naglalaho sa aking paningin pati na nag mga bituing nagbibigay liwanag sa dilim.Napakadilim sa aking paligid at wala akung nakikitang kahit isang liwanag,tumulo ang luha ko sa aking nasaksihan na bakit kailangang maglaho ang lahat sa ganitong sitwasyon ? Pumilit ako at nanalangin sa poong maykapal-  Habang nakapikit ang mga mata ko naramdaman ko ang lamig ng ihip ng hangin na dumapo sa aking balat,nanginginig ako sa lamig at bago tuluyan nawalan ng malay..
--BY: MALOU

THIS IS HOW TO MAKE A DREAM COME TRUE

Each new day is the blank page in the  diary in our life.The pen is in our hand ,but the lines will not all be written the way you choose;some will come from  the world and the circumstances that surround us.

But before the many things that are in our control,there is something special we need to know........


BE HAPPY!!!!!!!!!!!!!!!!
The secret of life is in making our story as beautiful as it can be. Write the diary of our days and fill the pages with words that come from the heart. As the pages take us through time,we will discover paths that will add to our happiness and our sorrows,but if we can do these things ,there will always be hope in our tomorrows.....

Follow our dreams. Work hard.Be kind. This is all anyone could ever ask...Do what we can to make the door open on the day...that is filled with beauty in some special way....REMEMBER: Goodness will be rewarded.Smiles will pay us back.Have fun.Find strength.Be truthful. Have faith.Don't focus on the things we lack.

Realize that people are treasure in life----and happiness
is the real wealth..Have a diary that describes how we did our best ,and..........

THE REST WILL TAKE CARE OF ITSELF.